Posted by: ladyinred January 29, 2006
:: OLDIES BUT GOLDIES ::
Login in to Rate this Post:     0       ?        
Yup noticed... :) Nu'ng isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila, ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo'y 'Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo. At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang Tuwang-tuwa sa iyo. Ngayon ng malaki ka na Nais mo'y maging malaya 'Di man sila payag walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo. Di mo man lang inisip na Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo 'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo "Di mo sila pinapansin. Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong "Anak, ba't ka nagkaganyan?" Pagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong Ikaw'y nagkamali. Pagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong Ikaw'y nagkamali.
Read Full Discussion Thread for this article